Naging makulay at masaya ang ginanap na RMN Fiesta Watch kahapon sa Barangay Pantal, partikular sa Sitio Barrera at Sitio Mil Excel, kung saan nakilahok ang mga residente sa iba’t ibang palaro at papremyo.
Sa pangunguna ng 104.7 iFM Dagupan at RMN Networks, kasama ang ACS Manufacturing Corporation at Smart Dishwashing “Bawat Pahid, Linis Solid” matagumpay na naihatid ang programang layong magbigay ng saya at tulong sa komunidad.
Sampung kalahok ang nag-uwi ng Kitchen Basic Cleaning Pack, habang 10 winners naman ang tumanggap ng ₱500 cash, T-shirt, ACS Gift Pack, at 5 kilos of rice bilang dagdag na biyaya para sa kanilang pamilya.
Kasabay ng aktibidad, isinagawa rin ang Ma. Corrina Canoy Feeding Program na naghatid ng mainit na lugaw at pandesal, katuwang ang Chill & Grind Café at Quinn’s Water Refilling Station.
Dagdag pa rito, namahagi rin ng 100 boneless bangus katuwang ang MG Dagupan Boneless Bangus para sa ilang residente ng Barangay Pantal, na lalong nagbigay ng ngiti, busog, at malasakit sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







