NAUMPISAHANG PROYEKTO SA BRGY. BARINGIN SUR, NAKATAKDANG IPAGPATULOY

Cauayan City – Planong ituloy at mas palawakin pa ngayong taon ang mga naumpisahang proyekto sa Brgy. Baringin Sur, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Kagawad Jeffrey Cubillas, sinabi nito na kabilang sa mga naumpisahan nilang proyekto noong nakaraang taon ay ang pagtatayo ng Street Lights at pagsasaayos ng drainage canals.

Aniya, ngayong muling magkakaroon ng pondo ang barangay para sa taong 2025 ay kanilang ipagpapatuloy ang naumpisahang mga proyekto.


Sinabi nito na sa kasalukuyan ay mayroong 21 solar streetlights na naitayo sa bahagi ng Purok 5 hanggang Purok 7 at plano pa nila itong dagdagan ng 21 pang solar streetlights.

Maliban dito, ipagpapatuloy rin umano nila ang pagsasaayos ng drainage canals upang magkaroon ng maayos na daluyan ng tubig ang ilang bahagi ng barangay na walang maayos na kanal.

Facebook Comments