Panadero na may Kasong Child Abuse, Huli ng mga Otoridad!

*San Mateo, Isabela- *Arestado ang isang panadero na may kasong kinakaharap sa Brgy.Victoria, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Rafael Baron, 22 anyos, binata at residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto si Baron sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Ariel M Palce ng RTC Br 40, Cauayan City, Isabela.


Ito ay kaugnay sa kinakaharap na kasong paglabag sa R.A.7610 o Child abused ni Baron.

Pansamantalang makakalaya si Baron kung makakapagpiyansa ng halagang P200,000.00.

Dinala na sa San Mateo Police Station ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments