EDCOM2, BINIGYANG-PANSIN SA PAGBISITA SA PANGASINAN ANG KAKULANGAN NG PONDO PARA SA SPED SUPPORT

Nangangailangan pa rin umano ng karagdagang suporta pagdating sa kagamitan sa pag-aaral at iba pang pangangailangan ang mga nasa Special Education o SPED para sa mga learners with special needs hanggang sa mga guro ayon kay Dr. Karol Mark Yee, Executive Director of The Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2).

‎Ayon sa kaniya, may mga SPED centers tulad sa Pangasinan na may mga guro ngunit kulang pa rin umano sa plantilla positions. Dapat umanong magdagdag ang Department of Education dahil maraming batang kailangan ng tulong lalo na sa antas SPED.

‎Isa pa nitong ipinunto ay ang ukol sa kakulangan sa teacher training at mga kagamitang gagamitin sa pag-aaral ng mga person with special needs.
‎‎
‎Dapat din umanong ireview ng DepEd ang guidelines para madagdagan pa ng suporta lalo na ng mga materyales at iba pang kagamitan sa pagtuturo para sa mga nasa SPED. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments