Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang sistema ng pag-uulat at mas mabilis na aksyon sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga nakatatanda.
Ito ay matapos isagawa noong Nobyembre 3 ang Orientation on Reporting System and Prevention Program for Elderly Abuse Cases sa CSWD Conference Hall na dinaluhan ng mga pangulo ng Barangay Anti-Drug Abuse and Senior Citizens Associations (BASCA) at mga OSCA Chairman.
Tinalakay sa aktibidad ang wastong proseso ng pag-uulat ng mga kaso ng pang-aabuso at mga hakbang upang maiwasan ang mga ito.
Isinagawa ang oryentasyon sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 alinsunod sa pangangalaga sa karapatan, kaligtasan at kapakanan ng mga senior citizen sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








