Pansamantalang ipinagpaliban ang nakatakdang pagho-host ng Mangaldan National High School (MNHS) sa mahigit 3,000 kalahok ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) Jamboree sa Disyembre dahil sa pangambang dulot ng matinding init at El Niño.
Ayon sa lokal na Pamahalaan, kailangang unahin ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataan dahil posibleng maging mapanganib ang camping sa open field ng paaralan, lalo na sa mataas na temperatura at alinsangan sa loob ng mga tent.
Humingi naman ng paumanhin ang alkalde sa pamunuan ng BSP at nilinaw na nananatiling bukas ang Mangaldan sa pagho-host ng malalaking aktibidad, ngunit hindi maaaring isugal ang kaligtasan ng mga kalahok.
Bilang paghahanda sa El Niño, binuo ng lokal na pamahalaan ang Municipal El Niño Task Force (METF) sa pamamagitan ng Executive Order No. 2026-75.
Kaugnay rito ang pagbigay babala ng lokal na pamahalaan sa mga residente matapos mapasama sa Extreme Caution category ang heat index forecast sa Barangay Poblacion noong Oktubre 14, batay sa datos ng DOST-PAGASA. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








