Panghahalay ng lalaki sa kanyang menor de edad na pinsang babae, huli sa CCTV

206

Manila, Philippines – Huli sa CCTV ang ginawang panghahalay ng lalaking suspek sa menor-de-edad na babae sa loob ng barangay hall sa Sta. Mesa, Maynila.

Sa kuha ng CCTV, natutulog ang anim na magkakamag-anak, kabilang na ang suspek at ang biktima niyang pinsang babae, 10-anyos.

Pinayagan silang matulog sa barangay hall dahil taga-linis doon ang ina ng biktima.

Makikita sa video na hindi mapakali ang lalaki habang nakahiga at pilit na hinahatak ang katabi niyang pinsan.

Doon na ginawa ng suspek ang panggagahasa sa bata.
Dahil sa takot, ilang araw na walang imik ang bata hanggang sa mapansin ng ina na aligaga na ang anak.

Doon na ikinuwento ng biktima sa ina kung ano ang nangyari noong gabi.

Nagsumbong sila sa chairman ng barangay na kamag-anak din nila kung saan nakipag-ugnayan na sila sa mga pulis para maaresto ang suspek.
DZXL558

Facebook Comments