Pagkaladkad ng tricycle sa isang babae, nakunan ng CCTV

39

Mandaluyong City, Philippines – Nahulicam ang panghahablot ng mga suspek gamit ang pamasadang tricycle sa Barangay New Zaniga, Mandaluyong City.

Sa video, makikita ang isang babaeng nurse na papasok sa kanyang trabaho habang makikita ang isang tricycle na kasalubong nito.

Maya-maya pa ay dinagit ng isang pasahero sa loob ng tricycle ang bag ng biktima na ilang metro pang nakaladkad bago humandusay sa kalsada.

Ayon kay chairman ng nasabing barangay na si Edwin Cruz – sinubukan pang tumayo ng babae pero bigo nitong mahabol ang tricycle.

Matapos ipost sa social media ang video kung saan nahuli ang body number ng trike ay wala pang isang oras ay natunton ang kinaroroonan ng mga suspek.

Paalala ni Cruz – mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ang ordinansang nagbabawal ang riding in tandem.

Inaalam na kung nasa impluwensya ng ilegal na droga ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong robbery snatching.
DZXL558

Facebook Comments