Pormal nang ibinalik ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan ang regular na limang araw na workweek simula kahapon, Mayo 11, 2026.
Sa ilalim ng Executive Order 2026-026 na nilagdaan ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno, muling magiging Lunes hanggang Biyernes ang pasok ng mga kawani, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Mananatili rin ang “No Noon Break” policy at ilang energy conservation measures sa mga tanggapan.
Ayon sa pamahalaang bayan, ibinalik ang regular na iskedyul upang mas mapalawak ang accessibility ng mga serbisyo publiko at mas mapadali ang transaksyon ng mga mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments




