Arestado ang isang 64-anyos na tricycle driver matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod noong Mayo 12, 2026.
Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Abe,” isang residente ng Dagupan City.
Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng DCPO Police Station 3 katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang police units.
Ayon sa awtoridad, nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱10,200.
Narekober din sa operasyon ang buy-bust marked money at boodle money na nagkakahalaga ng ₱10,000.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






