Pangulong Duterte, dumalo sa political rally ng isang senatorial candidate

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa political rally ni senatorial candidate Alan Peter Cayetano na isinabay sa isang konsyerto ng pasasalamat sa okasyon ng Araw ng Paggawa sa Arca South Grounds, Taguig City.

Bukod tanging si Cayetano lang ang nakapagpadalo kay Pangulong Duterte sa isang political rally.

Ayon sa pangulo, parang nanumbalik ang sigla niya noong nangangampanya siya sa mga tao na sumisigaw ng Duterte at kumukuha ng picture niya.


Kinuha ng pangulo ang pagkakataon para magpasalamat sa mga residente ng Taguig, Pateros at sa sambayanan sa anim na taong pagsuporta sa kaniyang mga programa.

Wala ring presidentiables na nakasama sa naturang proclamation rally.

Facebook Comments