Pangulong Duterte, may banta sa mga manggugulo pagkatapos ng halalan

438

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasok niya sa pinakamabahong kulungan ang mga manggugulo pagkatapos ng eleksyon.

Ito ay matapos matanong ang pangulo ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy hinggil sa banta ng dalawang presidentiable na magkakagulo ang bansa kapag nanalo ang ibang kandidato sa pagkapangulo.

Ayon kay Pangulong Duterte, sa mga istasyon ng pulisya ay walang palikuran at tubig.


Aniya, mayroon lamang dito na mauupuan para sa pagdumi at iyon ang matitikman ng mga mangugulo.

Giit ni Duterte, siya pa rin ang pangulo ng bansa pagkatapos ng eleksyon at bago mag-take over ang bagong presidente kaya patay ang magpapasimuno ng kaguluhan.

Maliban dito, nandyan din aniya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na hindi hahayaan ang anumang kaguluhan sa eleksyon.



Facebook Comments