Pangulong Duterte, may dalawang aktibidad sa Mindanao ngayong araw

207

Manila, Philippines – Bibisitahin ngayon araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 1002nd Infantry Brigade ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Agaab Malungon sa Saranggani.
Inaasahang darating ang Pangulo sa naturang lugar mamayang hapon kung saan kakausapin ng pangulo ang mga sundalo doon at inaasahang titiyakin nito ang buong suporta ng administrasyon sa kanila partikular sa kagamitan at benepisyo.
Pagkatapos noon ay dadaluhan ni Pangulong Duterte ang 64th founding Anniversary ng munisipalidad ng Hagonoy sa Davao Del sur para makiisa sa selebrasyon ng mga residente nito.
Samantala, mamaya namang 11 ng umaga ay magpapatuloy parin ang Mindanao Hour kung saan makakasama ni Presidential Spokesman Ernesto Abella si AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla para magbigay ng update sa nangyayaring bakbakan sa Marawi City at ang update sa umiiral na Martial Law sa buong Mindanao.

Facebook Comments