Tuesday, July 14, 2026

Sobrang paniningil ng Meralco, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Pinapa-imbestigahan ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Sarah Elago sa Committee on Energy ang umano’y sobrang sobrang singil ng Meraldo at maling pagbasa sa metro ng mga consumers nito.

Sa inihaing House Resolution 1189 ay tinukoy ni Elago ang kaliwa’t kanang reklamo ng publiko na naging doble, triple o mas mataas pa ang singil sa kanila ng Meralco kahit wala namang nagbago sa kanilang buwanang konsumo.

Target ng isinusulong na imbesigasyon ni Elago na madetermina kung sapat ang mga umiiral na batas at regulatory mechanisms para maprotektahan ang mga consumers at mapanagot ang mga nagmamalabis na power industry stakeholders.

Diin ni Elago, batayang serbisyo ang kuryente at hindi dapat ginagawang negosyo.

Ayon kay Elago, hangga’t interes ng malalaking korporasyon ang inuuna sa halip na kapakanan ng mamamayan, ay magpapatuloy ang mataas na singil at kawalan ng pananagutan.

Facebook Comments