
Bilang inisyal na hakbang, maghahain ng motion for custody ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para mailipat sa Philippine National Police General Hospital sa Camp Crame, Quezon City si dating House Speaker Martin Romualdez na may kinakaharap ngayong kasong plunder.
Nabatid na nasa Cardinal Santos Medical Center ang nasabing dating speaker dahil umano sa cardiovascular event, hindi matatag na blood pressure, at anxiety attack.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, nag-usap ang doktor ng nasabing ospital at ang doktor ng PNP-GH kung saan sinabi nilang unstable ang condition ng nasabing speaker.
Posibleng ngayong araw o bukas maghahain ang DILG ng nasabing mosyon sa nasabing korte.
Ayon kay Remulla, kaya naman na ma-accommodate ng PNP-GH si Romualdez, pero nasa korte pa rin ang desisyon kung saan ito dadalhin.
Sakali mang mapayagan na mailipat ito sa PNP-GH, papayagang makabisita sa kanya ang kanyang immediate family, mga abogado, at ang kaniyang doktor.
Sa ngayon ay naibalik na ang warrant sa Sandiganbayan at opisyal nang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Romualdez at isa na siyang Person Deprived of Liberty (PDL).










