Pangulong Rodrigo Duterte, pinal nang hindi mag-eendorso ng kandidato sa pagkapangulo ngayong May 9 election

Pinal na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mag-eendorso ng kandidato sa pagkapangulo ngayong May 9 election.

Ito ang muling binigyang-diin ng Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People.

Kasabay nito, nilinaw ng pangulo na ang pagtaas ng kamay ng mga kandidato sa isang event kung saan nandoon din siya ay hindi ibig sabihin na ikinakampanya na niya agad ang mga ito.


Samantala, hiniling ni Duterte sa kanyang Gabinete na manatiling neutral at iwasan ang pag-eendorso ng mga politiko upang maiwasan na mabahiran ang integridad ng halalan.

Facebook Comments