Thursday, October 1, 2026

Panic buying at hoarding dahil sa Super El Niño, hindi pa kailangan ayon sa Palasyo

COURTESY: NOAA

Walang dahilan para mag-panic buying o mag-hoard ng bottled water sa gitna ng inaasahang Super El Niño.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala namang impormasyon ang gobyerno na magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng inuming tubig sa mga tindahan at grocery.

Hinimok naman ng Palasyo ang publiko na maghanda nang sapat, pero huwag bumili nang higit sa kinakailangan.

Paliwanag ni Castro, maaaring magdulot ng hindi kinakailangang pagtaas ng presyo ng bottled water ang labis na pag-iimbak dahil nababawasan ang suplay sa merkado.

Maaari rin aniyang magdulot ito ng pangamba sa publiko.

Sinabi pa ni Castro na kung nalampasan ng bansa ang El Niño noong nakaraang taon, kaya rin itong harapin ngayon sa pamamagitan ng tamang paghahanda at koordinasyon ng pamahalaan.

Facebook Comments