Thursday, October 1, 2026

DOLE, hindi pa alam kung kailan mareresolba at maipapatupad ang naudlot na P85 na dagdag sahod sa Metro Manila

Hindi matiyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung kailan mareresolba ang kaso hinggil sa P85 na minimum wage increase na dapat sana’y ipapatupad sa Metro Manila.

Ito ang dahilan kung kaya’t naglabas ng panibagong wage order ang DOLE na na P60 na minimum wage increase na ipinatupad na noong September 26.

Sa budget hearing para sa 2027, nilinaw ni DOLE Secretary Francis Tolentino na hindi nila binawasan ang naunang inaprubahan na minimum na sahod na P85.

Aniya, ang P60 na dagdag sahod sa ilalim ng wage order number 28 ay papatong sa umiiral na sahod kaya ang kasalukuyang P695 na arawang sahod sa Metro Manila ay naging P755 na ngayon.

Dahil nahaharap sa limang kaso ang wage order number 27 kung saan nakapaloob ang P85 minimum wage increase, hindi masabi ng ahensya kung ano ang susunod na mangyayari dahil hindi pa rin tiyak kung kailan ito madedesisyunan.

Facebook Comments