Wednesday, September 30, 2026

Inflation ngayong Setyembre, posibleng pumalo sa mahigit 7% — BSP

Posibleng pumalo sa mahigit 7% ang inflation o bilis ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa ngayong Setyembre.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ay dahil pa rin sa mataas na presyo ng gulay, isda, bigas at iba pang bilihin dulot ng mga nagdaang sama ng panahon.

Inaasahang maglalaro sa 6.4% hanggang 7.4% ang inflation na maitatala ngayong buwan mula sa 6.1% na napaulat noong Agosto.

Bukod sa mahal na presyo ng mga pagkain, nakakaapekto rin sa inflation ang walang prenong taas presyo sa petrolyo nitong mga nakaraang linggo at paghina ng halaga ng piso.

Pero posible ring mas bumaba ito dahil sa pagmura ng halaga ng karne at singil sa kuryente.

Ayon sa BSP, patuloy nilang susuriin ang epekto ng mga nangyayari sa Middle East at lagay ng panahon sa inflation at ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments