Friday, October 23, 2026

Lust scam hub sa Makati, sinalakay ng NBI; 120 Chinese national, inaresto

Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mahigit 120 Chinese nationals na nahuli sa isinagawang raid sa isang commercial building sa kahabaan ng Ayala Avenue, Makati City.

Pinaniniwalaang nagpapatakbo ng tinatawag na “lust scam” ang mga banyaga na target ang kanilang kapwa Chinese nationals at mga Pilipino.

Modus ng mga itong hikayatin ang kanilang mga biktima na magpadala ng sensitibo o malalaswang video na maaari umanong gamitin sa pang-blackmail.

Nang pasukin ng operatiba ang naturang gusali, nadatnan nila ang mga Chinese nationals na gumagamit ng mga computer na ginagamit umano sa operasyon.

Nakita ng mga tauhan ng NBI sa mga computer ang mga hubad na larawan ng mga babae.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, maliban sa lust scam, may nakita rin umanong mga aktibidad ang mga agent na may kaugnayan sa cryptocurrency at illegal trading.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong computer fraud na posibleng isampa laban sa mga naarestong dayuhan.

Facebook Comments