Nasa halos tatlong milyong piso na pondo ang nakalaan para sa sahod ng susunod na batch ng mga Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) workers na tumutulong sa Brigada Eskwela sa bayan ng Sta. Barbara mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Pormal na itinurn-over ng DOLE ang tsekeng nagkakahalaga ng P2,989,600 sa Pamahalaang Bayan ng Sta. Barbara.
Gagamitin ang nasabing pondo para sa pasahod ng mga benepisyaryo ng TUPAD workers na kasalukuyang tumutulong sa iba’t ibang paaralan sa bayan bilang bahagi ng paghahanda para sa Brigada Eskwela.
Sa pamamagitan ng programa, hindi lamang natutulungan ang mga paaralan sa kanilang mga gawaing paglilinis, pagkukumpuni, at pagsasaayos ng mga pasilidad, kundi nabibigyan din ng pansamantalang hanapbuhay ang mga kwalipikadong residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








