Monday, October 26, 2026

Panukalang 2027 national budget, dapat ibalik sa Kamara para ayusin alinsunod sa SC ruling

Iminumungkahi ng mga Makabayan bloc na i-recall o ibalik sa Kamara ang ipinasa nitong House Bill 10858 o 2027 General Appropriations Bill na naipadala na sa Senado.

Sinabi ito ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Representative Antonio Tinio kasunod ng pasya ng Supreme Court na unconstitutional ang unprogrammed funds sa national budget noong 2024, 2025 hanggang 2026.

Giit ni Tinio, mahalaga na tanggapin ng Kamara ang kawastuhan ng SC ruling sa halip na sumakay sa posisyon ng Malacañang na “judicial overreach” ang ginawa ng Korte kaya maghahabol ng rekonsiderasyon.

Katwiran ni Tinio, imbes na ipaubaya sa Senado at Bicameral Conference Committee ang pagtutuwid sa bugdet ay kailangang aminin ng Kamara ang mga pagkakamali nito sa nakaraang mga budget, at tukuyin at isaayos ang mga bahagi ng 2027 budget na may sablay.

Kabilang sa mga tinukoy ni Tinio na dapat itama ang kawalan ng buong transparency sa mga amyenda, pag-abuso sa unprogrammed appropriations, malawakan at kwestyunableng insertions ng libu-libong infrastructure projects sa balatkayong “Institutional amendments,” pagpapalobo ng mga pinagnabawal na lumpsum tulad ng Local Government Support Fund at sariling budget ng House, at iba pa.

Facebook Comments