Tuesday, June 23, 2026

Panukalang ibaba ang “age of criminal responsibility” sa 10-taong gulang, malupit at hindi makatao

Kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang panukala ni Senator Robinhood Padilla na ibaba sa 10-taong gulang mula sa kasalukuyang kinse anyos ang age of criminal responsibility.

Giit ni Tinio, ito ay mali at barbaric o malupit at hindi makatao dahil hindi dapat ikulong ang mga bata dahil sa kapabayaan at kahirapan.

Nag-ugat ang panukala ni Padilla kasunod ng insidente ng pamamaril ng dalawang menor de edad na estudyante sa San Jose National High School sa Tacloban City kung saan tatlo ang nasawi at marami ang nasugatan.

Pero sa kabila nito ay binigyang-diin ni Tinio, ang mga bata ay hindi kriminal at sa halip ay biktima lang din sila na nangangailangan ng pag-asa, edukasyon, at pag-aalaga – hindi ng kulungan.

Babala pa ni Tinio, tutumbukin ng panukala ni Padilla ang mga batang mahihirap at hindi nabibigyang ng oportunidad, habang ang mga bata na mula sa mayayamang pamilya ay makakalusot.

Facebook Comments