
Iginiit ng Malacañang na matagal nang mino-monitor ng pamahalaan ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Energy (DOE) na bantayan ang galaw ng presyo ng langis mula pa nang sumiklab ang krisis sa Middle East.
Pahayag ito ni Castro matapos hingan ng reaksiyon sa utos ni US President Donald Trump na imbestigahan ang umano’y labis na pagtataas ng presyo ng gasolina ng ilang malalaking kumpanya ng langis sa Amerika.
Ipinaliwanag ni Castro na nakabatay ang presyo ng langis sa Pilipinas sa galaw ng pandaigdigang merkado.
Mahigpit din itong binabantayan ng DOE at agad na nagbibigay ng show cause order sa mga kumpanyang mapapatunayang lumalabag










