Wednesday, April 29, 2026

Panukalang tutulong sa mga manggagawa at MSMEs mula sa epekto ng pagtaas ng langis, isinusulong ng isang senador

Isinusulong ni Senator Mark Villar ang isang panukalang batas na tutulong sa mga manggagawa at mga maliliit na negosyo na makabangon mula sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.

Inihain ni Villar ang Senate Bill 2032 o ang Relief and Recovery Interventions for Low-Income Earners, Minimum Wage Earners, Self-Earning Individuals, and Micro, Small, and Medium Enterprises o ang RELIEF Act na layong bigyang tulong at kaluwagan ang mga na lubhang apektado ng krisis.

Kabilang dito ang lahat ng low-income households, minimum wage earners, self-earning individuals, at MSMEs o mga maliliit na negosyo.

Nakasaad sa panukala ang pagbibigay ng grace period o extension para sa pagbabayad ng renta o utang, loan restructuring na walang ipapataw na dagdag bayarin o multa, pagpapalawig ng deadlines sa pagbabayad ng buwis at pagsusumite ng dokumento at mas pinalawak na access sa credit assistance.

Binigyang-diin ni Sen. Mark na kailangang maglatag ng matibay na social safety net na makakatulong sa mga kababayan hindi lamang ngayong may oil crisis kundi sa mga susunod pang krisis sa bansa.

Facebook Comments