Wednesday, April 29, 2026

Iba’t ibang religious at civil society groups, umapela kay VP Duterte na humarap sa impeachment proceedings

Nagkakaisang nanawagan kay Vice President Sara Duterte ang iba’t ibang religious at civil society groups para humarap sa impeachment proceedings ng House at sagutin ang mga alegasyon at mga ebidensya laban sa kanya.

Mensahe nila ito sa ginanap na dayalogo sa Kamara na pinangunahan ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon

Ayon sa mga leader ng Iglesia Filipina Independiente – Diocese of Northern Isabela at Institute for Studies in Asian Church and Culture, nakakalungkot na hindi humaharap si VP Duterte sa mga hearings at iba pang proseso kaugnay sa kinakaharap niyang mga impeachment complaints.

Ayon kay AGLIPAYAN Church Bishop Alvin Valera, hindi matatawaran ang pananabik ng kanilang hanay na malaman mismo sa bibig ng ating pangalawang pangulo ang katotohanan hinggil sa mga samot-saring katanungan sa kanya at nais din nila na magpatuloy ang proseso hanggang sa impeachment trial.

Nakasaad naman sa inilabas na opisal na pahayag ng Diocese of Northern Isabela na ang impechment proceedings laban kay VP Sara ay bahagi ng system of checks and balances na nakapaloob sa ating Konstitusyon.

Umaasa rin sila na hindi matitinag ang House Committee on Justice sa paghahanap ng katotohanan at pagsusulong ng pananagutan kahit hindi humaharap si VP Sara sa impeachment proceedings.

Facebook Comments