PANUNUMBALIK NG NATIONAL ID REGISTRATION SA LAHAT NG BAYAN SA PANGASINAN, NILINAW NG PHILSYS PANGASINAN

20
Nilinaw ng Philippine identification system pangasinan ang panunumbalik ng national id registration sa bawat bayan at siyudad ng lalawigan.
Sa Facebook post ng ahensya, January 24, 2022 na manunumbalik ang pagpaparehistro sa bawat bayan at siyudad ng Pangasinan, upang bigyang daan ang pagsasaayos sa pagdeliver ng mga natapos ng National ID ng bawat pangasinense.
Dagdag ng ahensya, sa mga magnanais magparehistro ngayong linggo ay maaaring magsadya sa PSA Calasiao at ang mga nakapag online appointment ay kanilang ipa-prayoridad.

Samantala, umaasa naman ang ahensya sa pag-unawa ng mga Pangasinense para sa pagsasaayos ng mga national ID. | ifmnews
Facebook Comments