Nagkaisa ang Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC at Pamahalaang Lungsod ng Alaminos upang palakasin ang kampanya laban sa krimen at mga bagong banta sa seguridad.
Isinagawa ang kauna-unahang PAOCC-LGU Community Safety Legislative Consultation and Community Information Session noong Oktubre 8, 2026, sa Alaminos City, sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Panlungsod at National Movement of Young Legislators o NMYL.
Tinalakay sa aktibidad ang mga banta ng organisadong krimen, maling impormasyon, ilegal na gawaing pang-ekonomiya, at iba pang usaping may kaugnayan sa pambansang seguridad.
Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng bawat sektor sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan.
Ipinamutawi rin sa publiko na dapat maging mapanuri at tiyaking mapagkakatiwalaan ang impormasyong kanilang natatanggap.
Nagtapos ang pagtitipon sa paglagda sa Pledge of Commitment bilang pagpapakita ng pagkakaisa para sa isang ligtas at mapayapang komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











