Pastor Apollo Quiboloy, hindi nakadalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong araw sa Pasig RTC dahil naka-confine pa rin ito sa ospital

Hindi nakadalo si Pastor Apollo Quiboloy sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Pasig Regional Trial Court Branch 159 sa kasong qualified human trafficking.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, ang abogado ni Quiboloy, naka-confine pa rin kasi sa ospital si Quiboloy dahil sa sakit nitong pneumonia.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong araw, isinailalim ni Atty. Torreon sa cross examination si Alias Amanda, na main complainant sa kaso ni Quiboloy.


Una nang naging emosyonal si Alias Amanda sa kaniyang naging testimonya sa korte sa nakalipas na pagdinig.

Facebook Comments