
Nagsimula na ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide laban kina dating Ateneo Head Coach Tab Baldwin at walong pang indibidwal.
Ito ay kaugnay sa pagkamatay ng dalawang student athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa kalagitnaan ng team building activity noong Hunyo.
Ayon kay DOJ Undersecretary Ian Norman Dato, nitong Lunes umarangkada ang preliminary investigation habang binigyan sila ng hanggang September 15 para magsumite ng counter-affidavit.
Sakali aniyang mapatunayang nagkasala ay maghaharap sila sa parusang kulong na hindi bababa sa anim na taon.
Samantala, kinumpirma ng Justice Department na hindi na mahaharap sa reklamong paglabag sa Anti-Hazing law sina Baldwin at iba pa.
Ito ay dahil wala umanong nakitang sapat na batayan ang kagawaran para ipagpatuloy ang imbestigasyon kaugnay sa reklamong hazing.










