
Para masiguro ang kanilang kaligtasan ngayong masama ang lagay ng panahon, nagkasa ng rescue operation ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) katuwang ang katuwang ang Special Manila Reaction Team (SMART).
Partikular na sinagip ang mga street dwellers o mga palaboy at pagala-gala na karamihan ay hindi residente sa lungsod ng Maynila.
Ikinasa ang operasyon sa Laong Laan Road at Blumentritt Street sa Brgy. 516 at sa Intramuros Underpass gayundin sa Carriedo Station.
Karamihan sa mga na-rescue ay mga bata, senior citizen, at mga pamilyang nananatili sa kalsada, underpass, at iba pang mapanganib na lugar.
Ang mga nasagip na indibidwal ay agad na dinala at pansamantalang nananatili sa Reception and Action Center (RAC) Manila para sa maayos na assessment at pagbibigay ng angkop na social service intervention.










