
Nangako ang META kay Senator Risa Hontiveros na tutugon sa mga request ng Philippine Law Enforcement Authorities para sa user data lalo na kapag may napipintong karahasan.
Dumalo ang kinatawan ni Hontiveros sa isang roundtable meeting sa headquarters ng META sa Singapore kaugnay ng responsibilidad ng mga social media platform, partikular ang Facebook, sa pagkalat ng nihilistic violent extremism.
Igiiniit ng kinatawan ni Hontiveros sa META na magbahagi ng subscriber information at traffic data sa mga awtoridad ng Pilipinas kapag may mga palatandaan ng napipintong pag-atake.
Binigyang-diin ni Hontiveros na dapat maging mas mabilis ang aksyon laban sa mga posibleng banta ng karahasan.
Pinaburan naman ito ng social media giant na META at nangako ang mga matataas na opisyal na maging mas maagap sa sitwasyon.










