Dalawang aktibidad ang dadaluhan ni PBBM sa kaniyang muling pagbisita sa Cebu ngayong araw

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panauhing pandangal sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Business Advisory Council na gaganapin sa NUSTAR Casino and Resort sa South Road Properties sa Cebu City.

Ang APEC Business Advisory Council (ABAC) meeting ay dadaluhan ng 150 na mga delegado mula sa ibat-ibang mga bansa na miyembro ng APEC.

Maliban sa ABAC meeting dadaluhan rin ng pangulo ngayong hapon ang inagurasyon ng bagong National Museum-Central Visayas Regional Musem sa lumang customs building sa port area.


Kaugnay nito ay naka-full alert status ang kapulisan sa lungsod simula pa kahapon para sa pagdating ng pangulo ngayong araw sa Cebu City.

Facebook Comments