PBBM at delegasyon nito, nakarating na sa Japan

Nasa Japan na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa official visit nito.

Ito ay ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.

Lumapag aniya ang sinasakyang Philippine Airlines 001 ng pangulo at mga delegasyon nito sa Haneda International Airport alas-5:35 ng hapon, oras sa Japan.


Dadalo ang pangulo sa iba’t ibang aktibidad sa Japan kabilang ang one-on-one meeting kay Japanese Prime Minister Kishida Fumio.

May Imperial audience rin ang pangulo at First Lady Louise Araneta-Marcos kay Emperor Naruhito at Empress Masako.

Habang nasa Tokyo, magtatatrabaho raw ang pangulo para mas patatagin ang pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas.

Makikipagpulong din ito sa mga business leader upang mahikayat na maglagak ng negosyo sa Pilipinas.

Ginawa ng pangulo ang official visit sa Japan matapos sya imbitahan ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio.

Facebook Comments