Saturday, September 5, 2026

Importasyon at kalakalan ng mga produktong ginawa sa pamamagitan ng forced labor, dapat ipagbawal sa Pilipinas

Isinulong ni House Special Committee on Food Security Chairman at Albay 3rd District Representative Raymond Adrian Salceda na ipagbawal sa Pilipinas ang pag-angkat at kalakalan ng mga produkto na ginawa sa pamamagitan ng forced labor.

Nakapaloob ito sa House Bill No. 10848 na inihain ni Salceda na layuning mapigilan ang pagpasok sa bansa ng mga produktong ginawa sa pamamagitan ng forced labor at pagsasamantala.

Paliwanag ni Salceda, may kaakibat ito na usaping moral dahil kapag binibili at kinakalakal natin ang mga produktong ito ay nagiging bahagi ng ating supply chain ang pagdurusa ng ibang tao.

Ang panukala ni Salceda ay kasunod ng pasya ng Office of the United States Trade Representative (USTR) noong Hunyo 2026 na patawan ang Pilipinas ng karagdagang 12.5 porsiyentong taripa sa ganitong uri ng produkto dahil sa kawalan natin ng malinaw na patakaran laban sa forced labor goods.

Ayon kay Salceda, mainam na magkaroon tayo ng batas hinggil dito kahit may binuo ng inter-agency mechanism ang Ehekutibo na magsisiyasat sa mga imported goods na hinihinalang bunga ng forced labor.

Facebook Comments