PBBM, dumating na sa Bangkok, Thailand para dumalo sa APEC Summit

Dumating na sa Bangkok, Thailand si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bandang 6:20 ng gabi Manila time at 5:20 pm dito sa Thailand.

Mahigit tatlong oras ang tagal ng biyahe ng pangulo at kasama nitong delegation mula Manila hanggang Bangkok at kasama ng presidente si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Hindi nagkaroon ng interview ang media delegation sa pangulo sa PR 001 na kaniyang ginawa sa naging biyahe nito sa Cambodia.


Bukas opisyal na magsisimula ang kanyang apat na araw na working visit partikular ang kanyang kauna-unahang pagdalo sa APEC Summit bilang pangulo ng republika.

Hanggang Sabado dito sa Thailand si Pangulong Marcos kung saan maliban sa pagdalo sa APEC Summit ay magiging aktibidad nito ay ang pakikipag-kita at pangangamusta sa Filipino community.

Facebook Comments