Tuesday, July 21, 2026

PBBM, mariing kinondena ang AI video ng China Daily na naglalarawan sa mga Pilipino bilang unggoy

Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang AI-generated video ng China Daily na naglalarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy na nakasuot ng barong at salakot at binobomba pa ng water cannon.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, kung may ilang politiko na tanggap na sila ay unggoy, hindi naman palalampasin ng pangulo ang anumang paglapastangan sa dignidad ng mga Pilipino.

Natural lamang din aniya na hindi maganda ang magiging pagtanggap ng sinumang Pilipino sa naturang paglalarawan.

Ipinauubaya na ng Pangulo sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga susunod na hakbang, habang nananatili ang posisyon nitong resolbahin ang ganitong usapin sa pamamagitan ng diplomasya.

Samantala, may ilang senador at mambabatas na nananawagang ipatawag at pagpaliwanagin ang Chinese Ambassador to the Philippines Jing Xuan kaugnay ng isyu.

Facebook Comments