
Itinuturing ng Malacañang na maayos ang naging unang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, naging maganda ang takbo ng eleksyon, batay na rin sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful at orderly ang botohan.
May ilang insidente mang naitala, partikular sa Cotabato City, sinabi ng Malacañang na hindi ito nakaapekto sa pangkalahatang kaayusan ng halalan.
Kasabay nito, iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga awtoridad na bantayang mabuti ang mga botante at ang seguridad sa mga lugar na pinagdausan ng eleksyon.
Binigyang diin pa ng Palasyo na bagama’t generally peaceful ang halalan, hindi nanaisin ng Pangulo na may masaktan kahit isang tao lamang.










