Tuesday, September 15, 2026

SILG Remulla, kukumbinsihin ang mga counterparts sa France na huwag bigyan ng asylum si Zaldy Co

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nasa France pa rin ang puganteng negosyante na si Elizaldy Co.

Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni Remulla na pupunta siyang France para kumbinsihin ang mga counterpart nito na huwag bigyan ng asylum ang nasabing pugante.

Nauna nang sinabi ni Remulla na ang pagpunta nya sa ibang bansa ay para rin i-follow up ang Red Notice nito.

Matatandaan na si Co ay mayroong warrant of arrest para sa pagkakasangkot nito sa anomalya sa flood control projects.

Samantala, inihayag naman ni Remulla na magkahiwalay sila ng lakad ng kaniyang kapatid na si Ombudsman Boying Remulla at magkaiba sila ng mga tao na kakausapin sa nasabing bansa.

Facebook Comments