
Mariing itinanggi ni Pangulong Fedinand Marcos Jr., na sangkot siya sa pag-impeach ng Kamara kay Vice President Sara Duterte.
Giit ni Pangulong Marcos, walang papel ang Executive branch sa impeachment proceeding at kumilos lamang ang Kamara alinsunod sa mandato ng Konstitusyon.
Bagama’t una na siyang nanawagan sa Kongreso na huwag nang ituloy ang impeachment, ay hindi naman niya mapipigilan ang ilang mga grupo na maghain.
Hindi rin niya nakikita na pagtuligsa ito sa kaniyang panawagan dahil wala namang choice ang Kamara kundi aksyunan ang mga complaint.
Inamin naman ni Pangulong Marcos na kumonsulta sa kaniya ang kaniyang anak na si Ilocos Nortes Representative Sandro Marcos patungkol sa impeachment.
Pero ang payo raw niya sa kaniyang anak, gawin lamang ang mandato nito bilang Congressman.
Samantala, bukas naman si Pangulong Marcos sa posibilidad na magpatawag ng special session ang Kongreso para matuloy ang paglilitis ng impeachment ni VP Sara, kung ito ay hihilingin ng mga Senador.
Pero sa ngayon ay wala pa naman aniyang anumang request mula sa Senado.