
Patay ang apat na indibidwal makaraang bumagsak ang sinasakyan nilang private plane sa Brgy. Malatimon, Ampatuan Maguindanao del Sur kaninang pasado alas dos ng hapon.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police o PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo kung saan ang nasabing private plane ay may body number N349CA.
Lulan nito ang tatlong pinaniniwalaang mga dayuhan at isang Pilipino.
Samantala, nagpadala na ang PNP ng mga imbestigador sa crash site na layong imbestigahan ang insidente at upang tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Facebook Comments