PBBM, maayos na ang kondisyon matapos magpositibo sa COVID-19

88

Maayos ang kondisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ilang araw na home isolation matapos magpositibo sa COVID-19 test noong nakaraang Biyernes.

Ayon sa kanyang residence doctor na si Dr. Samuel Zacate, wala nang lagnat at pananakit ng katawan ang pangulo.

Nawala na rin ang kanyang pag-ubo at pangangati sa lalamunan.


Kaya naman may dagdag na gamot na ibinigay sa pangulo para tuluyan nang mawala ang mga nararamdaman nito ngayon.

Sinabi pa ni Dr. Zacate na nasa normal limits and exemplary ang vital signs ng pangulo at hindi na nakakaranas pa ng anumang sintomas ng COVID-19 katulad ng respiratory compromise.

Ibig sabihin nito ayon kay Zacate na malapit na sa complete recovery ang pangulo.



Facebook Comments