Mega Vaccination Center sa Muntinlupa, muling binuksan sa harap ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod

51
Photo Courtesy: City Health Office-Muntinlupa FB Page

Muling binuksan ngayong araw, July 11 ng Muntinlupa Local Government Unit (LGU) ang SM Center Muntinlupa Mega Vaccination Site.

Sa harap ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan halos 150 ang aktibong kaso ngayon sa Muntinlupa.

Hinimok naman ng Muntinlupa City government ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa health protocol at magpabakuna na pinulong na rin ang COVID-19 Task Force ng lungsod para talakayin ang mga hakbangin para makontrol ang pagkalat ng infection.


Facebook Comments