
Ibinunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) na mayroong lima pang opisyal ng pamahalaan ang target din ng honeytrap na iniuugnay kay Rep. Leandro Leviste.
Bukod kay Executive Sec. Ralph Recto, target din umano ng sex scandal plot sina Ombudsman Boying Remulla, Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, Cabinet Sec. Benhur Abalos, Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon, at Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Henry Aguda.
Dahil dito, tiniyak ni NBI Director Matibag na susuyurin ng bureau ang lahat ng mga ebidensiyang magpapatunay sa naturang report.
Nilinaw naman ni Matibag na nananatiling espekulasyon ang report dahil wala pa silang hawak na ebidensiya.
Ang malinaw lang aniya sa ngayon ay nakausap ng naarestong talent manager si dating Rep. Jing Paras na siyang nagplano ng character assassination laban kay ES Ralph Recto.
Sinabi ni Matibag na maaaring maharap ang dating mambabatas sa perjury at iba pang asunto habang pag-aaralan naman ang anggulo ng human trafficking.










