PBBM, naging proud sa makasaysayang pagkapanalo ni Alex Eala sa larong tennis sa US Open Junior Girls’ Singles Championship

73

Nagpaabot nang pagbati si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) kay Alex Eala sa makasaysayang panalo sa US Open Junior Girls’ Singles Championship.

Sa kanyang social media post, sinabi ng pangulo na isa na namang Filipina ang nagtaas ng bandila ng Pilipinas.

Pinasalamatan nito si Eala sa karangalang ibinigay sa bansa.


Ayon sa presidente, nais ng mga Pilipino ang tuluy-tuloy na tagumpay ng tennis player sa mga susunod pa nitong laro.

Si Eala ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng US Open Junior Girls’ singles crown.

Tinalo nito si Lucie Havlickova ng Czech Republic sa finals ng torneo sa New York.



Facebook Comments