Friday, August 28, 2026

Mahigit 200 opisyal at myembro ng BFP, iniimbestigahan sa slot-for-sale scheme —DILG

Iniimbestigahan na ang lagpas 200 Bureau of Fire Protection (BFP) personnel para sa slot-for-sale scheme ayon ito sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni SILG Jonvic Remulla na kabilang sa mga iimbestigahan ang lahat ng Regional Directors ng BFP sa buong bansa.

Babala ni Remulla na hahabulin nila ang lahat ng mga sangkot sa nasabing scheme at ito ay pananagutin sa batas.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng pagkakahuli sa isang babaeng BFP personnel na nagaalok ng slot sa mga aplikante ng BFP kapalit ng pera.

Ayon kay Remulla, nasa P100,000 hanggang P800,000 umano ang ginagawang bayaran para sa nasabing slot for sale scheme.

Facebook Comments