OPS, may panawagan sa mga gustong magtrabaho sa gobyerno

218

May panawagan ang Office of the Press Secretary (OPS) para sa mga gustong maging bahagi ng gobyerno bilang civil servant o government worker.

Batay sa anunsyo ng OPS may mga oportunidad na bubuksan ang Civil Service Commission (CSC).

Sa post ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nasa may isang daan at 33 mga ahensiya ng gobyerno ang magbubukas ng mga bakanteng posisyon sa kani-kanilang departamento.


Ang nasabing job opportunity ay gagawin kaugnay ng ika-122 anibersaryo ng Philippine Service na kung saan, ikakasa ang online government job fair na pangungunahan ng CSC.

Ito ay gagawin mula September 19 hanggang September 23, 2022.

Panawagan ni Secretary Angeles, mag-abang lang sa jobstreet.com at magparehistro na para hindi lumampas ang pagkakataong maging bahagi ng gobyerno.



Facebook Comments