PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng namayapang beteranong brodkaster na si Mike Enriquez

Nalungkot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang mabalitaan ang pagpanaw ng beteranong brodkaster na si Mike Enriquez.

Sa kanyang official X (dating Twitter) account, inihayag ng pangulo na si Enriquez ay haligi na nang broadcasting industry kaya’t nalulungkot siya sa pagpanaw nito.

Nakasaad pa sa post ng pangulo na hindi matatawaran ang dedikasyon ni Enriquez sa pagbibigay ng walang kinikilangang balita para sa sambayanang Pilipino.


Nagpaabot ng lubos na pakikiramay ang pangulo sa pamilya at mga kaibigan ng namayapang beteranong brodkaster.

Facebook Comments