
Hindi na kailangang gumastos pa ang gobyerno sa paghahanap kay Senator Ronald dela Rosa kung kusa na itong susuko.
Ito ang pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro bilang tugon sa alegasyon ng abogado ni Dela Rosa na pagsasayang lamang ng ₱50 milyon ang pagpapatupad ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) dahil wala umanong warrant mula sa lokal na korte.
Iginiit ni Castro na may batayan sa Republic Act 9851 ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa mga kasong gaya ng crimes against humanity sa mga internasyonal na hukuman.
Hinimok din ng opisyal si Dela Rosa na sumuko na lamang upang hindi na madagdagan ang gastos ng pamahalaan.
Kung hindi aniya ito itinatago o tinutulungang makatakas, nasa kustodiya na sana ito ng ICC.










