PBBM, pangungunahan ang paghahanda ng gobyerno laban sa Super El Niño; Posibleng brownout, kakulangan sa tubig at panganib sa kalusugan, tututukan!

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mangunguna sa mga hakbang ng pamahalaan laban sa posibleng epekto ng Super El Niño na mararamdaman mula ngayong Oktubre hanggang unang bahagi ng 2027.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nakatuon ang paghahanda ng mga ahensiya sa posibleng pagkawala ng suplay ng kuryente, kakulangan sa tubig at pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan.

Naghahanda na rin ang Department of Agriculture sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga sistema ng irigasyon, paggamit ng drought-resistant crops at pagsasaayos ng iskedyul ng pagtatanim.

Nakaalerto naman ang Department of Energy at Department of Health para sa posibleng power interruptions at pagbibigay ng tulong sa mga bata, senior citizens at iba pang bulnerableng sektor.

Tiniyak ni Castro na magbibigay ng mga direktiba ang Pangulo upang matiyak ang koordinadong pagkilos ng mga ahensiya laban sa epekto ng matinding tagtuyot.

Facebook Comments